Marcos, Romualdez Resign!: PEOPLE’S MANIFESTO On the National Scandal of Corruption and the Duty to Reclaim Sovereignty

 By: Arnedo S. Valera, Esquire 




Marcos, Romualdez, Magbitiw!: MANIFESTO NG BAYAN

Hinggil sa Pambansang Eskandalo ng Korapsyon at ang Tungkulin ng Pag-angkin Muli ng Soberenya


 The National Crisis

The Philippines today stands on the precipice of moral collapse and political ruin. The flood control scandal, which has bled the nation of billions of pesos, is not merely an instance of administrative failure—it is the rotten core of institutionalized corruption. From the DPWH to private contractors, from Congress to the Senate, up to the very Office of the President, the conspiracy of plunder has reached the highest levels of government.

This is not governance; this is betrayal. It is the systematic theft of national wealth, the desecration of public trust, and the destruction of our sovereignty.

Ang Pambansang Krisis

Ang Pilipinas ngayon ay nakatindig sa gilid ng moral na pagbagsak at politikal na pagkagunaw. Ang iskandalong kaugnay sa mga proyektong pangkontrol sa baha—na sumisipsip ng bilyun-bilyong piso mula sa yaman ng bayan—ay hindi lamang karaniwang pagkukulang sa pamamahala. Ito ang bulok na ubod ng sistematisadong korapsyon.

Ito ay hindi pamamahala; ito ay pagtataksil. Isa itong sistematikong pagnanakaw ng pambansang yaman, paglapastangan sa tiwala ng publiko, at pagsira sa ating pambansang soberenya.


Sovereignty Resides in the People

The 1987 Constitution is clear:

Article II, Sec. 1: “Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them.”

Article XI, Sec. 1: “Public office is a public trust… officials must always be accountable to the people, act with integrity, patriotism, justice, and modesty.”


When government itself violates these principles, the people have the constitutional, legal, and moral right—and duty—to withdraw consent and reclaim authority.

Ang Soberenya ay Nasa Mamamayan

Hindi malabo ang itinatadhana ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas:

Artikulo II, Sek. 1: “Ang soberenya ay nagmumula sa sambayanan at lahat ng kapangyarihan ng pamahalaan ay nagmumula sa kanila.”

Artikulo XI, Sek. 1: “Ang panunungkulan ay isang tiwala publiko… ang mga opisyal ay dapat laging managot, kumilos nang may integridad, makabayan, makatarungan, at may payak na pamumuhay.”


Kapag ang mismong pamahalaan ang pangunahing lumalabag, tungkulin ng sambayanan na bawiin ang pagsang-ayon at angkinin muli ang kapangyarihan.

The Duty of the Armed Forces

Article II, Sec. 3: “Civilian authority is, at all times, supreme over the military. The AFP is the protector of the people and the State. Its goal is to secure sovereignty and territorial integrity.”

This is not blind loyalty to corrupt leaders. It is fidelity to the Filipino people. The AFP must recognize that to defend the people is to stand with them in their sovereign demand: Marcos, Romualdez, and their accomplices must resign or be removed.

Ang Tungkulin ng Sandatahang Lakas

Artikulo II, Sek. 3: “Ang kapangyarihang sibilyan ay laging pinakamataas kaysa sa militar. Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay tagapagtanggol ng sambayanan at ng Estado. Ang layunin nito ay tiyakin ang soberenya at ang integridad ng teritoryo.”

Hindi ito bulag na katapatan sa tiwaling pinuno, kundi katapatan sa sambayanan. Kailangang kumampi ang AFP sa mamamayan sa kanilang soberanong panawagan: Marcos, Romualdez, at ang mga kasabwat ay dapat magbitiw o mapatalsik.

Lessons from Asia and Beyond

Indonesia (1998): Massive People Power, led by students and workers, toppled Suharto after decades of plunder.

Nepal: Citizens rose against a corrupt monarchy, abolishing it and demanding democracy.

Sri Lanka (2022): The people expelled a ruling family whose greed collapsed the economy.

Bangladesh (2024–25): Mass protests shook entrenched dynasties, proving sovereignty belongs to the people.

South Korea (2017): President Park Geun-hye was impeached—proof no one can resist the united will of the people.


These lessons resonate in the Philippines: the time of reckoning has come.

Mga Aral mula sa Asya at Iba Pa

Indonesia (1998): Isang dambuhalang People Power na pinangunahan ng kabataan at manggagawa ang nagpabagsak kay Suharto matapos ang dekada ng pandarambong.

Nepal: Bumangon ang mamamayan laban sa tiwaling monarkiya at tuluyang nagpatatag ng demokratikong pamahalaan.

Sri Lanka (2022): Pinatalsik ng mamamayan ang pamilyang tiwali na nagpaguho sa ekonomiya.

Bangladesh (2024–25): Malalaking protesta ang yumanig sa mga dinastiyang nakaugat, patunay na ang soberanya ay nasa taumbayan.

South Korea (2017): Napatalsik si Park Geun-hye, patunay na walang makapangyarihan laban sa nagkakaisang tinig ng bayan.


Ang mga aral na ito ay umaalingawngaw sa Pilipinas: dumating na ang oras ng paniningil.

Corruption as a Crime Against Humanity

Grand-scale corruption causes mass poverty, hunger, preventable deaths, and destroys dignity. Under the UN Convention Against Corruption, to which the Philippines is a party, leaders who become perpetrators violate national and international law.

Ang Korapsyon bilang Krimen Laban sa Sangkatauhan

Ang dambuhalang korapsyon ay nagdudulot ng kahirapan, gutom, kamatayang maiiwasan, at pagkawasak ng dangal. Sa ilalim ng UNCAC na nilagdaan ng Pilipinas, ang mga pinunong salarin ay lumalabag hindi lang sa pambansang batas kundi pati sa pandaigdigang batas.

The People’s Manifesto

We, the Filipino People, declare:

1. This government has failed in governance and accountability.


2. Marcos, Romualdez, and accomplices must resign or be removed.


3. The AFP must fulfill its duty and withdraw support from this corrupt regime.


4. The world must know of this betrayal and the demand for accountability.


5. The Filipino nation shall act with unity, dignity, and peace.



 Ang Manifiesto ng Bayan

Kami, ang sambayanang Pilipino, ay nagdedeklara:

1. Lubusang nabigo ang pamahalaan sa pamamahala at pananagutan.


2. Marcos, Romualdez, at kasabwat ay dapat magbitiw o mapatalsik.


3. Dapat gampanan ng AFP ang tungkulin at bawiin ang suporta sa tiwaling rehimen.


4. Dapat ipaalam sa mundo ang pagtataksil at ang panawagan para sa pananagutan.


5. Kikilos ang sambayanan nang nagkakaisa, marangal, at mapayapa.


A Call to Conscience and Action

We call on farmers, workers, soldiers, professionals, youth, clergy, diaspora, and all sectors to rise and affirm: sovereignty belongs to the people. May God grant strength and justice to the nation.

Panawagan sa Budhi at Aksyon

Nanawagan kami sa magsasaka, manggagawa, sundalo, propesyonal, kabataan, simbahan, at diaspora—bumangon at igiit: ang soberanya ay nasa bayan. Nawa’y pagkalooban ng Diyos ng lakas at katarungan ang sambayanan.


The time has come. Withdraw consent. Demand resignation. Reclaim sovereignty. Ordered by the People.#

Dumating na ang oras. Bawiin ang pagsang-ayon. Igiit ang pagbibitiw. Angkinin muli ang soberenya. Ipinag-uutos ng Sambayanan.#

Comments